MENU

Mayroon na namang karagdagang lingkod bayan ang inyong Philippine Coast Guard (PCG)!

Sa katatapos lang na graduation ceremony ng Coast Guard Officer’s Course (CGOC) SALAKNIB Class 27-2021 “Charlie” at SINAG-DAYAW Class 28-2021 “Alpha," kinilala ng PCG ang 126 na graduates — 23 sa kanila ay may ranggong "Ensign," habang 103 naman ay may ranggong "Probationary Ensign."

Naganap ito sa Coast Guard Regional Training Center sa Bagac, Bataan kahapon, ika-10 ng Marso 2022.

Pinangunahan ni Deputy Commandant for Administration, CG Vice Admiral Oscar C Endona Jr ang naturang seremonya.

Sa kanyang mensahe, hinikayat niya ang mga graduates na patuloy na suportahan ang bawat isa sa kanilang paglago bilang ehemplo ng mga kapwa Coast Guardians – mga lingkod bayang may pagmamahal sa bayan, pagmamalasakit sa kapwa, at takot sa Diyos.

"I want you to grow and develop yourself not just for your own gain, but most importantly for the benefit of the country, for the people, and for the Coast Guard service,” ani CG Vice Admiral Endona.

Nakatakdang i-deploy ang 56 na graduates ng Class 27-2021 “Charlie” at 70 graduates ng Class 28-2021 “Alpha” sa iba’t-ibang PCG units sa buong bansa.

Nakibahagi rin sa naturang seremonya sila CG Rear Admiral Robert N Patrimonio, Commander ng Marine Environmental Protection Command; CG Commodore Eustacio Nimrod P Enriquez Jr, Commander ng Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC); at CG Commodore Roben N De Guzman, Deputy Commander ng CGETDC.