Nakibahagi si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu at kanyang asawa na si Mrs. Carlota Vergara Abu sa isinagawang ZUMBA FITNESS WORKOUT sa National Headquarters, Port Area, Manila ngayong araw, ika-15 ng Marso 2022.
Sa pangunguna ng Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Logistics, CG-4 naging matagumpay ang naturang aktibidad na nakatulong sa pagpapalakas ng katawan ng mga PCG officers at non-officers, kasabay ng patuloy na pagbuti ng lagay ng bansa sa epekto ng dalawang taong pandemya.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni CG Admiral Abu si CG Captain Geoffrey Espaldon, ang Deputy Chief of Coast Guard Staff for Logistics, CG-4, gayundin ang mga PCG officers at non-officers na nakiisa sa Zumba Fitness Workout na isang oportunidad para maitaguyod ang βGOOD WORKING ENVIRONMENTβ sa organisasyon.
Nang maitalaga bilang ika-29 na Komandante ng PCG, inihayag ni CG Admiral Abu ang kanyang pagnanais na pagtibayin ang kultura ng PCG bilang isang PAMILYA NG MGA LINGKOD BAYAN na responsable, may pananagutan, disiplinado, kahanga-hanga, maabilidad, nagtutulungan, mahusay, at higit sa lahat, may pusong handang magserbisyo sa kapwa Pilipino, anuman ang sitwasyon.
[Photos by CG PO3 A Flores & CG SN1 AJ Bokingkito / CGPA]