MENU

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang LIFEGUARD QUALIFICATION TRAINING para sa 18 LIFEGUARDS sa Naic, Cavite mula ika-08 hanggang ika-15 ng Marso 2022.

Liban sa pagsasagawa ng life-saving techniques, tinuruan din ang mga lifeguards kung papaano ang tamang pagsasagawa ng cardiopulmonary resuscitation (CPR) at pagbibigay ng first aid.

Layon nitong masiguro na may sapat na kaalaman at kakayanan ang mga lifeguards sa munisipalidad na kabahagi ng PCG sa pagtataguyod ng kaligtasan sa karagatan o β€œsafety of life at sea”.

Naisakatuparan ang naturang inisiyatibo sa pagtutulungan ng PCG Station Cavite, Special Operations Unit (SOU) NCR-Central Luzon, Coast Guard Medical Service, at Cavite Provincial Tourism and Cultural Affairs Office.

Base sa direktiba ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, nakikipag-koordinasyon ang mga Coast Guard units sa mga local government units (LGUs) para masigurong may sapat na bilang ng lifeguards at rescue responders sa kani-kanilang areas of responsibility (AORs).Β 

Ito ay dahil katuwang sila ng PCG sa pagseserbisyo, lalo ngayong summer season kung kailan inaasahan ang pagdagsa ng mga turista sa mga beach resorts at iba pang maritime tourism destinations sa bansa.

[Photos by CG SN2 MR Costa & CG SN2 NJS Poblete / CGS Cavite]

Most Read