Nagtulung-tulong ang Philippine Coast Guard (PCG), Philippine Army, at Philippine Navy sa pagkarga ng mahigit 66 na toneladang donasyon ng Ateneo DReaM Team, Simbahang Lingkod ng Bayan, at Tanging Yaman Foundation sa isang pribadong sasakyang pandagat sa Pier 4, North Harbor, Maynila noong ika-01 ng Enero 2022.
Sa pakikipag-koordinasyon ng PCG Auxiliary (PCGA), ipinahiram ng CPP Shipping Lines Corporation ang LCT CHARLES JASON 2996 para magamit sa pagbiyahe ng tone-toneladang relief supplies para sa mga apektadong pamilya ng Bagyong #OdettePH sa Siargao Island, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Naglalaman ito ng family packs na may bigas, purified drinking water, trapal, bed sheet, at kulambo.
Ngayong araw, ika-03 ng Enero 2022, kasalukuyang bumibiyahe ang LCT CHARLES JASON 2996 papuntang Mindanao.