MENU

Naging matagumpay ang "farewell ceremony" na inihanda ng Japan Coast Guard (JCG) para sa mga officers at crew ng MRRV-9701 na papangalanang "BRP TERESA MAGBANUA" sa oras na ma-komisyon sa serbisyo.

Sa mga litratong kuha ng JCG, makikita ang matibay na relasyon at malalim na kooperasyon sa gitna ng Philippine Coast Guard (PCG) at JCG tungo sa pagpapaigting ng maritime security, maritime safety, maritime search and rescue, at marine environmental protection sa malawak na katubigan ng bansa.

Sama-sama nating ipanalangin ang ligtas na paglalayag ng MRRV-9701 mula Japan papuntang Pilipinas na isang malaking hakbang tungo sa modernisasyon ng PCG!

[Photos Courtesy of JCG]

Most Read