Tumulong ang Coast Guard K9 Force at Coast Guard District Eastern Visayas sa pagsasagawa ng joint land interdiction operation sa Barangay Jubasan, Allen, Northern Samar, kahapon, ika-31 ng Enero 2023.
Sa operasyong ito, na-recover ng mga otoridad ang isang eco bag na naglalaman ng 10 bloke ng hinihinalang shabu.
Nakabalot pa ang mga ito sa berdeng Chinese tea bag wrapper na may label na "GUANYINYANG."
Nahuli rin ang suspek na kinilalang si Mr. Mangayao Lapan Mitomara na residente ng Paliparan, DasmariΓ±as, Cavite.
Nahaharap siya sa kaso ng paglabag sa R.A. No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.
Sa ngayon, nananatili ang suspek sa kustodiya ng Allen Municipal Police Station para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.