Napa-#ILoveThisJob ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite matapos makibahagi sa coastal clean-up drive sa baybayin ng Barangay Capipisa, Tanza kaninang umaga, ika-22 ng Abril 2021.
Isinagawa ito bilang pagdiriwang sa 'Earth Day 2021'.
Katuwang ang mga empleyado ng Cavite Gateway Terminal, umabot sa apat na toneladang basura ang kanilang nakolekta na karamihan ay plastik, babasaging bote, at sirang damit.
Ayon sa PCG Station Cavite, patuloy silang magsasagawa ng coastal clean-up drive at iba pang marine environmental protection initiative para maingatan ang likas na yaman ng bansa, kahit pa sa gitna ng pandemya.