MENU

Nagsanib-pwersa ang Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog, PCG Sub-Station Talisay, at Philippine National Police (PNP) sa pagpapatuloy ng mas pinaigting na pagbabantay sa Taal Lake, kasunod ng kasalukuyang alert status ng Taal Volcano ngayong araw, ika-14 ng Hulyo 2021.

Sa pagpapatrolya, sinisiguro ang kaligtasan ng mga residenteng pumapalaot sa β€˜window hours’ mula 08:00 a.m. hanggang 02:00 p.m. para mag-harvest o kaya naman pakainin ang mga alagang isda sa kani-kanilang 'fish cage' sa lawa.

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – CALABARZON, nasa 5,100 residente ang nangangalaga sa mahigit 6,300 'fish cage' sa Taal Lake na nakalaan para sa produksyon ng mga isda tulad ng bangus at tilapia.

Liban dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong ng PCG sa pagsasagawa ng transport mission, relief operation, at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga evacuation center.

Most Read