MENU

Ito ang mensahe ni Philippine Coast Guard Education, Training, and Doctrine Command (CGETDC) Commander, CG Commodore Eustacio Nimrod P Enriquez Jr sa humigit-kumulang 200 recruits na sumailalim sa Coast Guard Non-Officer’s Course (CGNOC) sa PCG regional training center sa La Union kahapon, ika-26 ng Oktubre 2021.

“Sa kabila ng mga pagsubok, laging isipin ang inyong pamilya na naniniwalang kakayanin ninyong makapasa sa pagsasanay na ito. Laging isipin ang inyong mga mahal sa buhay na umaasang kayo ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan. Higit sa lahat, laging isipin na kailangan kayo ng bansa bilang karagdagang lingkod bayan na magseserbisyo sa kapwa Pilipino,” pahayag ni CG Commodore Enriquez sa convening ceremony ng CGNOC Class 88 – 2021.

Ayon kay PCG District Northwestern Luzon Commander, CG Commodore Inocencio C Rosario Jr, sasalang ang mga bagong PCG recruits sa kalahating taong pagsasanay para matutunan ang military drills, basic soldiery, gayundin ang customs and traditions ng PCG.

Dagdag pa niya, layon nitong hasain ang kanilang pag-iisip bilang sundalo na kinakailangan para epektibong maitaguyod ng maritime law enforcement, maritime security, maritime safety, search and rescue, at marine environmental protection.