MENU

Isang OFW ang nag-donate ng printer sa Philippine Coast Guard (PCG) Task Unit Balik Probinsya Flights ngayong araw, ika-06 ng Nobyembre 2021.

Habang sumasailalim sa security measures at safety protocols sa NAIA para sa isang sweeper flight papuntang Cagayan de Oro, lumapit ang 32-taong-gulang na OFW na si Pat Perez sa mga PCG personnel na nagseserbisyo sa airport.

Nagpasalamat siya sa paglilingkod ng mga nabanggit na frontliners sa kasagsagan ng pandemya. Pagkatapos nito, inabot niya ang kanyang donasyon na hiling niya'y makatulong sa pang-araw-araw na responsibilidad ng PCG sa paliparan.

Ayon sa OFW, kinikilala niya ang sakripisyo ng mga PCG personnel para maitaguyod ang kaligtasan ng publiko laban sa banta ng COVID-19.

Nagpasalamat naman ang PCG Task Unit Balik Probinsya Flights sa kabutihang ipinamalas ni Perez. Pinabaunan nila ng panalangin ang naturang OFW para sa ligtas niyang biyahe pauwi sa kanyang pamilya sa Kolambugan, Lanao del Norte.

Maraming salamat, Sir Pat! Karangalan naming maglingkod sa mga bayaning tulad mo at sa sambayanang Pilipino!

Most Read