MENU

Bumiyahe na kaninang 12PM ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) mula Port Area, Manila papuntang Western Visayas at Northeastern Mindanao para maghatid ng tulong sa mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong #OdettePH.

Nagtulung-tulong ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel sa pag-load ng kahung-kahong food packs, bigas, purified drinking water, gamot, bitamina, medical supplies, hygiene kits, trauma kits, portable stretchers, at shelter grade tarpaulins sa barko.

May dala rin silang solar sets, generator sets, at gasolina para makatulong sa unti-unting rehabilitasyon ng mga apektadong probinsya.

Pinangunahan ni PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Eduardo D Fabricante ang send-off ceremony ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301).

β€œSa mga tauhan ng BRP Gabriela Silang, hinihiling ko ang inyong safe travel at patuloy na paggabay ng Poong Maykapal β€” na kayo ay mabigyan ng maayos na pangangatawan upang ating maibigay ang pagkalinga at ayuda na kailangan ng mga kababayan nating nasalanta ng bagyo," mensahe niya.

Naging posible ang relief transport mission na ito sa pakikipagtulungan ng Office of the Vice President, Office of Senator Ronald Dela Rosa, Office of Senator Manny Pacquiao, Department of Social Welfare and Development, OB Montessori, GMA Kapuso Foundation, PCG Civil Relations Service, Coast Guard Staff for Logistics (CG-4), PCG Medical Service, at PCG Logistics Systems Command.

Most Read