Nagsagawa ng ferry mission ang BRP Sindangan (MRRV-4407) sa Dinagat Islands kahapon, ika-21 ng Disyembre 2021.
Sa pakikipagtulungan ng Police Regional Office 13, ligtas na naihatid ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 250 STRANDED NA INDIBIDWAL mula San Jose Port, Dinagat Islands papuntang Port of Surigao City.
Naisakay din sa naturang barko ang 22 motorsiklo at isang bisikleta na pagmamay-ari ng mga natulungang indibidwal.
Ang ferry mission sa Dinagat Islands ay bahagi ng malawakang operasyon ng PCG alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gamitin ang lahat ng assets at resources ng pamahalaan para makatulong sa agarang pagbangon ng mga pamilyang lubhang naapektuhan ng Bagyong #OdettePH.