MENU

Nakiisa ang mga mangingisda para sa mabilis at ligtas na paghatid ng mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha (MRRV-4401) para sa mga residente ng Pandanon, Bohol kahapon, ika-21 ng Disyembre 2021.

Kinabibilangan ito ng 60 sako ng bigas, 50 kahon ng mineral water, at 30 sako ng iba’t-ibang delata na paunang tulong ng lokal na pamahalaan ng Bohol para sa mga residente ng isla na lubhang naapektuhan ng Bagyong #OdettePH.

Tumulong din sa naturang operasyon ang Philippine Army.

Bago umalis sa isla, nagsagawa rin ng disaster assessment ang Philippine Coast Guard (PCG) para makapagbigay-impormasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno tungo sa rehabilitasyon ng isla at pagbangon ng mga apektadong pamilya.

Most Read