Ngayong araw, ika-23 ng Disyembre 2021, lumayag na papuntang Pag-asa Island ang BRP Capones (MRRV-4404) dala ang RELIEF SUPPLIES AT PURIFIED DRINKING WATER para sa 300 PAMILYA na naapektuhan ng Bagyong #OdettePH noong nakaraang linggo.
Mula Puerto Princesa City, Palawan, nagdala rin ng iba't-ibang laruan ang mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel na ipapamahagi sa mga kabataan bilang regalo sa nalalapit na kapaskuhan.
Samantala, para agad na maisaayos ang nasirang PCG Station Kalayaan sa Pag-asa Island, nagsakay din ng construction materials, tulad ng hollow blocks at saku-sakong semento, sa BRP Capones (MRRV-4404).