Umabot sa 1,000 laruan mula sa Makati Medical Foundation at mainit na arroz caldo ang hatid ng Philippine Coast Guard (PCG) TASK FORCE KALINGA sa mahigit 350 na pamilyang namamalagi sa bahagi ng Cultural Center of the Philippines, Rajah Sulayman, Quirino, at Binondo sa Maynila noong ika-25 Disyembre 2021.
MAINIT ANG ISINUKLING NGITI AT PASASALAMAT sa mga tauhan ng COAST GUARD LOGISTICS SYSTEMS COMMAND sa munting pamaskong ibinigay sa mga batang lansangan at mga kapus palad nating kababayan.
Muli maraming salamat sa MAKATI MEDICAL FOUNDATION sa inyong suporta!