Kahapon, pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade ang inspeksyon sa ongoing development ng Batangas Base Port sa Batangas City.
Kasama ni Sec. Tugade sa isinagawang inspeksyon sila DOTr Undersecretary for Finance Giovanni Lopez, PPA General Manager Jay Daniel Santiago, DOTr Undersecretary for Maritime George Ursabia at Asec. for Maritime Narciso Vingson Jr.,Β Philippine Coast Guard (PCG) District Southern Tagalog Commander, CG Commodore Genito Basilio, at PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo, upang personal na makita ang developments sa pantalan.
Sa patuloy na pagsusumikap ng DOTr katuwang ang Philippine Ports Authority (PPA), inaasahang makapagbibigay ito sa ating mga kababayan ng mas malawak, maganda at modernong pantalan, kung saan oras na ito'y matapos ito ang magiging isa sa pinakamalaking terminal port sa ating bansa.
Kabilang sa kanilang ininspeksyon ay ang ginagawang 15,000 sqm Passenger Terminal Building, kung saan matagumpay na nakumpleto ang unang bahagi ng PTB na kayang makapagserbisyo sa nasa 2,000 katao. Tampok sa PTB ang fully airconditioned lounges at PWD friendly facilities para sa mas maginhawa at ligtas na biyahe ng ating mga kababayan.
Sa gitna ng inspeksyon, kinamusta rin ni Secretary Tugade ang mga pasaherong naghihintay sa terminal ukol sa serbisyo at mga pasilidad na kailangan pang pagandahin katulad ng dagdag na charging station at bentilasyon sa lugar. Ang ginanap na inspeksyon ay napapanahon din sa inaasahang pagdagsa ng mga uuwing pasahero sa kani-kanilang probinsya sa darating na Holy Week.
Ito'y ilan lamang sa mga proyekto ng gobyerno para sa pagpapalawig ng connectivity at mobility sa bansa, sa paglago ng ekonomiya at turismo sa rehiyon ng CALABARZON, lalung-lalo na sa pagbibigay ng trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan sa Batangas.
Para sa mas kumportable at kumbinyenteng pamumuhay ng bawat Pilipino!
https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=309322551332804&id=100067651842656