Isang pasaherong nagkaaltapresyon at nahirapan huminga sa EDSA North Avenue Bus Station ang tinulungan ng mga operatiba ng I-ACT at PCG kaninang umaga.
Mabilis na umaksyon sila SN2 De Luna, ASN Tanjilil, at ASN Homboy upang tumawag ng tulong at magbigay paunang lunas.
Siniguro din ng MRT-3 Emergency Medical Services personnel na si EMT Galvez na ma-monitor at maiging lapatang lunas ang pakiramdam ng pasahero.
Matapos ang ilang minutong pahinga at paunang lunas, nakahinga din ng maayos ang pasahero at bumaba ang altapresyon nito.
Bago payagang makabiyahe pauwi, binigyan siya ng abiso ng ating mga operatiba na magpatingin sa doktor kung sakaling bumalik ang karamdam.
Saludo ang Task Force sa patuloy na pagkalinga ng ating mga operatiba sa ating mga pasahero!