MENU

Nag-deploy ng dalawang bus ang Philippine Coast Guard (PCG) para mabigyan ng LIBRENG SAKAY ang mga pasaherong walang masakyan sa EDSA Busway kagabi, ika-16 ng Abril 2022.

Tugon ito ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu sa biglaang panawagan ni I-ACT Task Force Chief Charlie Apolinario del Rosario kahapon, Sabado de Gloria.

Lubos ang pasasalamat ng I-ACT sa patuloy na pagsuporta ng PCG sa operasyon ng Task Force tungo sa pagbibigay ng maaasahang serbisyo sa kapwa Pilipino.

Ngayong araw, ika-17 ng Abril hanggang bukas, ika-18 ng Abril 2022, muling mag-de-deploy ng mga bus ang PCG para mapaglilingkuran ang mga mananakay na uuwi sa Maynila matapos ang ilang araw na paggunita ng #SemanaSanta2022.

Most Read