Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) District Northwestern Luzon sa MALAWAKANG VACCINATION DRIVE PARA SA MGA KABATAAN sa San Fernando City, La Union noong Biyernes, ika-22 ng Abril 2022.
Umabot sa 200 kabataan ang nakatanggap ng proteksyon laban sa COVID-19 bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes na bahagi ng “new normal.”
Naganap ang vaccination drive na tinawag na “RESBAKUNA KIDS” sa tatlong magkakahiwalay na vaccination sites para maipatupad ang social distancing.
Liban sa PCG, nakiisa rin sa naturang inisiyatibo ang La Union Provincial Health Office, Tanquigan Elementary School, Sibuan-Otong Elementary School, Bungro Elementary School, at Lorma Medical Center.