Rumesponde ang Philippine Coast Guard (PCG) Station Western Bohol sa PAGBAGSAK NG OLD CLARIN BRIDGE sa Loay, Bohol kahapon, ika-27 ng Abril 2022.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dahil hindi kinaya ng naturang tulay ang bigat ng mga sasakyang naipon dito dahil sa car congestion o mabigat na daloy ng trapiko.
Katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) at ilang small fishing boat operators, nadiskubre ng PCG na 12 sasakyan (truck, kotse, tricycle, at motorsiklo) ang nahulog sa ilog dahil sa insidente.
Maingat na ni-rescue ang 18 sibilyan na na-trap sa mga sasakyang nadamay sa insidente. Kasalukuyan silang binibigyan ng tulong medikal sa Loay Health Office.
Samantala, apat na biktima naman ang idineklarang βdead on arrivalβ ng attending physician nang maihatid sa naturang health center.
Ngayong araw, ika-28 ng Abril 2022, nagpapatuloy ang search and rescue operations para matulungan ang iba pang biktima ng insidente. Nakibahagi rin dito ang ilang volunteer rescue divers mula sa Panglao, Bohol.
[Progress report to follow]