Kabahagi na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 453 kababaihan na bumubuo sa Coast Guard Non-Officer's Course (CGNOC) "Sinag-Tikas” Class 87 – 2021!
Pinangunahan ni PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu ang kanilang graduation ceremony sa PCG Regional Training Center (RTC) sa Laguindingan, Misamis Oriental noong ika-25 ng Abril 2022.
Binati ng Komandante ang mga nagsipagtapos sa kanilang matagumpay na pagsasailalim sa pagsasanay para maging epektibong lingkod bayan at ehemplo ng kanilang henerasyon.
Kinilala rin ni CG Admiral Abu ang PINAKAMAGAGALING NA ESTUDYANTE ng CGNOC Class 87 – 2021 na sina Candidate Coast Guard Non-Officer (CCGNO) Vicefe Foz na nakakuha ng general weighted average (GWA) na 93.20% at CCGNO Aubrey Anne Bulaon na may GWA na 93.02%.
Samantala, pinasalamatan ng Komandante si CG Commander Raymund James Torremonia sa kanyang maayos na pangangasiwa sa RTC Laguindingan bilang Director at pamamahala sa pagsasanay ng CGNOC Class 87 – 2021 bilang Course Director.
Nakibahagi rin sa naturang seremonya sila Chief of Coast Guard Staff, CG Commodore Tito Alvin Andal, Coast Guard Education, Training and Doctrine Command Commander, CG Commodore Eustacio Nimrod Enriquez Jr, Coast Guard Human Resource Management Command Commander, CG Commodore Ramon Lopez, Coast Guard District Southeastern Mindanao Commander, CG Commodore Agapito Bibat, Coast Guard District Northeastern Mindanao Commander, CG Commodore Eduardo De Luna Jr, Coast Guard District Northern Mindanao Commander, CG Captain Geronimo Tuvilla, at Zamboanga City Special Economic Zone Authority and Freeport (ZAMBOECOZONE) Chairperson at Administrator, Auxiliary Commodore Raul Regondola.