MENU

Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga media partners nito sa paghahatid ng makatotohanan at maaasahang balita patungkol sa mga plano, programa, at operasyon ng organisasyon sa iba't-ibang bahagi ng bansa.

Kasabay ng pagdiriwang ng ika-12 anibersaryo ng Coast Guard Public Affairs (CGPA), isinagawa ng PCG ang COAST GUARD PUBLIC AFFAIRS SERVICE AWARD 2022 bilang pasasalamat sa mga national at international reporters, journalists, at photographers na sumusuporta sa media affairs initiatives ng CGPA:

1) Ali Vicoy – Manila Bulletin

2) Asher Cadapan – UNTV

3) Jimmy Cheng – United Daily News

4) Aya Yupangco – DWIZ 882 AM

5) Boy Gonzales – DZRH 666 AM

6) Carlo Mateo – DZBB 594

7) Chino Gaston – GMA News

8 ) Danny Pata – GMA News Online

9) Ed Gumban – The Philippine Star

10) Gina Mape – DWWW 774 AM

11) Isa Umali – DZBB 594

12) Jacque Manabat – ABS-CBN

13) Jim Gomez – Associated Press

14) Jocelyn Tabangcura – Remate News Online

15) Jonas Sulit – Abante News

16) Jorge Cariño – ABS-CBN

17) Karen Villanda – PTV

18) Lorenz Tanjoco – DZRB 738 AM

19) Madelyn Villar Moratillo – NET 25

20) Manny Vargas – DZBB 594

21) Pasky Natividad – DWAD 1098 AM

22) Pol Montibon – SMNI News

23) Raffy Ayeng – Daily Tribune

24) Raymond Dela Cruz – Philippine News Agency

25) Richa Noriega – GMA News Online

26) Romel Lopez – TV 5

27) Sam Nielsen – DZBB 594

28) Alecs Ongcal – Freelance Photojournalist

29) Tina Santos – Philippine Daily Inquirer

30) Evelyn Macairan – The Philippine Star

31) Dennis Datu – ABS-CBN

32) Johnson Manabat – DZMM Radyo Patrol 630

33) Robertzon Ramirez – The Philippine Star

34) Pinky Webb – CNN Philippines

35) David Santos – CNN Philippines

36) Marianne Bermudez – Philippine Daily Inquirer

37) Rene Maliwat – DZRJ 810 AM

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, malaki ang gampanin ng media sa pagsisiguro na alam ng taumbayan kung papaano ginagamit ng PCG ang kanilang buwis tungo sa pagbibigay serbisyo, lalo na sa panahon ng sakuna at kalamidad.

"I express my gratitude to our media partners for their faithfulness to live with and abide by the truth. Your daily grind in covering your beat and gathering stories is worth emulating. You deserve the utmost recognition bestowed upon all of you," ani CG Admiral Abu.

Samantala, nagbalik-tanaw naman si CGPA Commander at PCG Spokesperson, CG Commodore Armand Balilo sa mga pagsubok na nalampasan at mga karanasang pinagsamahan ng CGPA at mga media partners nito sa nakalipas na 12 taon.

"Magkakaiba man tayo ng interes, pero alam ko na pinagbuklod tayo ng pagnanais na magampanan ang ating mga tungkulin nang buong kagalingan dahil bahagi ng ating pagkatao at pagkakakakilanlan ang trabahong ito," pagbabahagi ni CG Commodore Balilo. 

Sa pagtatapos ng naturang seremonya, hinikayat ni CG Admiral Abu ang CGPA at mga media partners nito na patuloy na palalimin ang kanilang "working relationship" tungo sa pagbibigay ng kinakailangang impormasyon at serbisyo sa sambayanang Pilipino.