Naging matagumpay ang Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 na isinagawa sa Makassar, Indonesia!
Sa closing ceremony ngayong araw, ika-27 ng Mayo 2022, pinasalamatan ni Makassar Mayor Petahana Danny Pomanto ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard (JCG) sa pakikibahagi sa naturang misyon kasama ang Directorate General for Sea Transportation (DGST) ng Indonesia para maitaguyod ang marine environmental protection.
Dagdag pa niya, malaking tulong ang naturang joint maritime exercise para masigurong maiiwasan ang insidente ng oil spill at maibibigay ng DGST ang serbisyong kinakailangan ng Makassar na malapit sa Sulawesi Archipelagic Sea Lane, isang major sea lane para sa national at international shipping operations.
Sentro sa closing ceremony ng Regional MARPOLEX 2022 ang pagbababa ng mga watawat ng Pilipinas, Indonesia, at Japan.
Sinundan ito ng pirmahan ng "joint declaration for the temination of the exercise" na pinangunahan ng mga Exercise Co-Directors na sila CG Rear Admiral Robert Patrimonio (PCG), Captain Weku Frederik Karuntu (DGST Indonesia), at Rear Admiral Hashimoto Masanori (JCG).