MENU

Ito ang hamon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu sa mga Coast Guardians sa naganap na Monday morning colors kahapon, ika-30 ng Mayo 2022.

Sa naturang aktibidad, ibinahagi ng Komandante ang mahahalagang inisiyatibo na isinakatuparan ng PCG noong nakaraang linggo sa Japan. Kasama rito ang send-off ceremony ng ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG – ang BRP MELCHORA AQUINO (MRRV-9702).

Kabilang din dito ang pagbisita at pakikipag-diyalogo sa Philippine Embassy sa Japan, Japan International Cooperation Agency (JICA), at Japan Coast Guard (JCG).

“It was the very first time that the Commandants of the PCG and JCG met in Tokyo at the JCG National Headquarters and they are very grateful. Napag-usapan natin yung mga bagay na pagtutulungan ng PCG at JCG. Sa JICA Headquarters, napag-usapan naman natin yung conduct ng feasibility study sa Subic Development Plan kung saan malaking bahagi ay magiging favorable sa PCG,” ani CG Admiral Abu.

Bilang pagtatapos hinikayat ng Komandante ang mga kababaihan at kalalakihan ng PCG na magkaisa sa pagsasagawa ng mga mandato ng organisasyon bilang paglilingkod sa bayan.

“Ibigay natin ang ating commitment na sa Linggo ito ay magiging bahagi tayo ng magagandang bagay na maisasakatuparan natin all together sa PCG,” dagdag pa niya.

Kabahagi rin sa naturang Monday morning colors ang lahat ng PCG Districts, Stations, at Sub-Stations na nakatutok sa pamamagitan ng virtual teleconference.