Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng World Oceans Day, nagsagawa ng coastal clean-up drive ang Philippine Coast Guard (PCG) Station Basilan sa 500 metrong baybay-dagat ng Barangay Marang-Marang, Malamawi Island, Isabela City ngayong araw, ika-08 ng Hunyo 2022.
Umabot sa 25 sako ng basura ang nakolekta sa naturang aktibidad na layong ipaalam sa publiko ang kahalagahan ng "marine environmental protection."
Nakibahagi rin dito ang PCG Sub-Station Central Pasangen, MEP Group-Isabela, CGK9-Isabela, HRMU-CGS Isabela, 301st PCGA Squadron, United Evangelical Church of Isabela City, CDRRMO ng Isabela City, at JEMS Place Restaurant.