MENU

Ito ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa commissioning ceremony ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) sa Port Area, Manila kasabay ng pagdiriwang ng “Araw ng Kalayaan” ngayong araw, ika-12 ng Hunyo 2022.

“So far, the Coast Guard has an excellent record and participation in even struggles in Mindanao. You have helped the government in maintaining our independence as a Republic. Bilib ako sa inyo,” ani Pangulong Duterte.

“At no other time na ang Coast Guard binigyan ng importansya. I can only thank my classmate, Art Tugade for husbanding the entire agency of the Coast Guard. I am very much impressed,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ng Presidente ang kanyang paghanga sa katagumpayan ng Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pilipino sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Let me thank the DOTr for a job well done. We have gone a long way to improve and we delivered. That is all,” mensahe niya.

Sa kanyang pagtatapos, binigyang-diin ng Presidente ang kahalagahan ng PCG sa pagtataguyod ng soberanya ng Pilipinas, lalo na sa West Philippine Sea (WPS).

“Kaibigan ko si President Xi Jinping and we continue to talk. Coast Guard to Coast Guard tayo. We do not send gray ships because it will project a different picture to everybody,” pagbabahagi ni Pangulong Duterte.

“I made it clear to him that we cannot give up our sovereignty over the West Philippine Sea, including our exclusive economic zone because it is vital for our national life,” dagdag pa niya.

Liban sa Pangulo, sumuporta rin sa commissioning ceremony sila DOTr Secretary Tugade, Senator  Bong Go, at Minister and Consul General Okajima Hiroyuki ng Embassy of Japan in the Philippines.

Ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) ay ang ikalawang 97-meter multi-role response vessel (MRRV) ng PCG na gawa sa Japan. Noong Mayo 2022, kinomisyon sa serbisyo ang unang 97-meter MRRV – ang BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701).

Sa kasalukuyan, ang mga barkong ito ang pinakamalalaking floating assets ng Coast Guard Fleet.

May bilis itong hindi bababa sa 24 knots at endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles.

Kaya rin ng BRP Teresa Magbanua (MRRV-9701) at BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) na magsagawa ng pangmatagalang pagpapatrolya sa malawak na katubigan ng Pilipinas.

Ang dalawang barkong ito ay bahagi ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase II ng DOTr tungo sa malawakang modernisasyon ng PCG.

Ang MSCIP Phase II ay isang Japanese-assisted project na pinondohan gamit ang Official Development Assistance (ODA) loan mula sa gobyerno ng Japan sa tulong ng Japan International Cooperation Agency (JICA).