MENU

Nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station MalacaΓ±ang ang isang 29 na taong gulang na lalaki na tumalon sa Mabini Bridge sa kahabaan ng Pasig River kahapon, ika-03 ng Hulyo 2022.

Nang makarating sa Mabini Bridge matapos makatanggap ng report mula sa SK Chairman ng Barangay 830, Zone 90, District 6 na si Mr. Rhesty Aguilar, nakita ng PCG team ang naturang lalaki na nakaupo sa tulay.

Tinangka siyang kausapin ng mga rumespondeng PCG personnel, pero tuluyan siyang tumalon sa Mabini Bridge.

Agad namang sumunod ang mga miyembro ng rescue team para sagipin ang lalaki.

Nang masagip mula sa ilog, isinakay siya sa PCG aluminum boat at dinala sa PCG Sub-Station Hospicio de San Jose para malaman ang kanyang pagkakakilanlan.

Binigyan din siya ng first aid, damit, pagkain, at inumin habang isinasailalim sa profiling.

Kinilala ang lalaki na si Mr. Jessie Ang, residente ng Barangay 814, Mindoro Street, Paco, Maynila.

Pagkatapos ng profiling, itinurn-over siya kay Mr. Aguilar para mabigyan ng karagdagang tulong.

Most Read