Nakibahagi ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Field Operating Unit BARMM sa BUY-BUST OPERATION sa Tawi-Tawi kahapon, ika-09 ng Agosto 2022.
Sa tulong ni Coast Guard Working Dog (CGWD) James, nakumpirma na ILIGAL NA DROGA ang laman ng mga "Chinese tea plastic bags" na nakalagay sa isang reusable bag.
Nakuha ito sa dalawang suspek na kinilalang sina Nurhamin Nurussin at Husna Nurussin.
Ayon sa mga operatiba, nasa ISANG KILONG METHAMPHETAMINE HYDROCHLORIDE O MAS KILALA BILANG SHABU ang laman ng mga "Chinese tea plastic bags.β
Nagkakahalaga ito ng HUMIGIT-KUMULANG 6.8 MILYONG PISO.
Agad na inaresto ang dalawang suspek dahil sa paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Liban sa PCG K9 Field Operating Unit BARMM, nakibahagi rin sa naturang operasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office BARMM Tawi-Tawi, Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP), Marine Battalion Landing Team XII (MBLT 12), PCG Station Central Tawi-Tawi, and PCG Intelligence Group BARMM.