MENU

Pinuntahan ng Philippine Coast Guard (PCG) Civil Relations Service ang Florentino Torres High School sa Tondo, Maynila para magbigay ng libreng medical check-up at dental service sa mga estudyante at school personnel ng naturang paaralan.

Katuwang ang PCG Medical Service at PCG Dental Service, nagsagawa rin ng seminar para sa mga kabataan tungkol sa pagpapanatili ng maayos na kondisyon ng kanilang ngipin.

Nagpasalamat naman ang Principal ng Florentino Torres High School na si Mrs. Ma. Pura Talattad sa pagbisita ng PCG para maserbisyuhan ang mga residente ng Tondo.Β 

https://www.facebook.com/cgcrs/posts/418046243759409

Most Read