MENU

Nakikiramay ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pamilyang naiwan ng limang rescuers sa San Miguel, Bulacan na binawian ng buhay sa kasagsagan Super Typhoon #KardingPH noong Linggo, ika-25 ng Setyembre 2022.

Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, bilang mga first responders, alam ng mga kababaihan at kalalakihan ng PCG ang sakripisyong kalakip ng pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin sa bayan.

"Sa bawat misyon, baon ng mga Coast Guard rescuers ang panalangin na manatiling ligtas at maging matagumpay sa pagtataguyod ng kapakanan ng taumbayan," ani CG Admiral Abu.

"Ipinapahatid po namin ang aming taus-pusong pakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay nila Mr. George Agustin, Mr. Narciso Calayag Jr., Mr. Troy Justin Agustin, Mr. Jerson Resurreccion, at Mr. Marby Bartolome. Kinikilala po namin ang kanilang sakripisyo para sa kaligtasan ng mga apektadong pamilya at bilang paglilingkod sa sambayanang Pilipino," dagdag pa niya.

Most Read