MENU

Dalawang babae, edad 26 at 30 taong gulang, na muntik mabiktima ng Trafficking in Persons (TIP) ang nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) sa Bongao, Tawi-Tawi noong ika-02 ng Oktubre 2022.

Dinala sila sa Violence Against Women and Children (VAWC) Helpdesk kung saan ibinahagi ng dalawang indibidwal na galing silang Valenzuela at Cavite.

Anila, nakarating sila ng Tawi-Tawi dahil pinangakuan silang makakakuha ng trabaho pagdating sa Sabah sa pamamagitan ng "backdoor channel."

Pagkatapos nito, inihatid sila sa Ministry of Social Services and Development na tumulong sa ligtas na pag-uwi sa kani-kanilang pamilya.

https://www.facebook.com/100069021736166/posts/415147747462613/

Most Read