MENU

Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 372 piraso ng β€œundocumented lumber (Narra & Yakal)” na nagkakahalaga ng humigit-kumulang β‚±500,000 sa Surigao Baseport, Surigao City, Surigao del Norte, noong ika-03 ng Oktubre 2022.

Katuwang ang Philippine National Police-Maritime Group (PNP-MG), Department of Environment and Natura Resources (DENR), at Philippine Ports Authority (PPA), ininspeksyon ng PCG ang isang 10-wheeler wing van truck kung saan nakita ang nasabing kargamento na ihahatid papuntang Cebu City.

Agad na inaresto ang driver ng naturang truck sa paglabag sa Section 77 ng Presidential Decree 705 dahil sa kawalan ng dokumento at permit patungkol sa pagbibiyahe ng nasabing kargamento.

Dinala sa DENR-City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Tubod ang mga β€œundocumented lumber” kung saan inasikaso ang paghahain ng kaso laban sa driver ng truck at iba pang sangkot sa naturang insidente.

Nananatili rin sa kustodiya ng DENR ang nasabing truck na magsisilbing ebidensya sa korte.

https://www.facebook.com/100068819486184/posts/408585971445382/

Most Read