MENU

Binabati ng Philippine Coast Guard (PCG) si ๐‚๐† ๐๐ž๐ญ๐ญ๐ฒ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž๐ซ ๐“๐ก๐ข๐ซ๐ ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ (๐๐Ž๐Ÿ‘) ๐„๐ก๐ฆ๐š๐ง๐ง ๐‰๐จ๐ก๐ง ๐๐จ๐ง๐œ๐ž sa kanyang matagumpay na pagtatapos sa kursong "๐ƒ๐ž๐Ÿ๐ž๐ง๐ฌ๐ž ๐’๐ž๐œ๐ฎ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‚๐จ๐จ๐ฉ๐ž๐ซ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐“๐ซ๐š๐ข๐ง๐ข๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ" na isinagawa sa Wright Patterson United States Airforce Base sa Ohio, U.S.A!

Sinagot ng Joint US Military Assistance Group (JUSMAG) ang gastusin ni CG PO3 Ponce at 36 pang estudyante mula sa 21 bansa na nakibahagi sa inisiyatibong ito.

Sa naturang kurso, pinag-aralan ang polisiya ng U.S Department of Defese patungkol sa foreign military sales at military armaments.

Natutunan ng mga estudyante ang tamang paggawa ng initial letter of request, letter of offer and acceptance, gayundin ang kontratang pinipirmahan ng mga gobyerno tungo sa mabilis na paghahatid ng mga biniling kagamitan at serbisyo.

Ayon kay CG PO3 Ponce, nakatulong din ang oportunidad na ito para mapaigting ang relasyon ng PCG sa iba pang ahensya na kabahagi sa naturang kurso.

Sa kasalukuyan, naka-deploy si CG PO3 Ponce sa Office of the Deputy Chief of Coast Guard Staff for Education and Training (CG-12) at nagsisilbi bilang liaison officer ng opisina sa JUSMAG at Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL).

Most Read