Umabot sa 700 seedlings ang itinanim ng Philippine Coast Guard (PCG), PCG Auxiliary (PCGA) 109th Squadron, at iba pang stakeholders sa Rosario at Naic, Cavite kahapon, ika-07 ng Oktubre 2022.
Pinangunahan ng Center for Outreach Extension Development (COED) ng Asian Institute of Maritime Studies (AIMS) ang naturang inisiyatibo.
Ito ay para maitaguyod ang pangangalaga sa likas na yaman ng probinsya at maingatan ang mga residente tuwing may sama ng panahon.