MENU

Si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, mismo ang nagsabit ng ๐‚๐Ž๐€๐’๐“ ๐†๐”๐€๐‘๐ƒ ๐Ž๐”๐“๐’๐“๐€๐๐ƒ๐ˆ๐๐† ๐€๐‚๐‡๐ˆ๐„๐•๐„๐Œ๐„๐๐“ ๐Œ๐„๐ƒ๐€๐‹ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐ˆ๐๐๐Ž๐ kay CG Petty Officer Third Class (PO3) Jean Paul Tolin ngayong umaga, ika-10 ng Oktubre 2022!ย 

Ito ay bilang pagkilala sa kanyang katagumpayan sa ๐†๐ฎ๐ง๐ง๐ž๐ซ'๐ฌ ๐Œ๐š๐ญ๐ž "๐€" ๐’๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ ๐‚๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ ๐ŸŽ๐Ÿ‘-๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ na isinagawa sa U.S. Coast Guard (USCG) Training Center sa Yorktown, Virginia, U.S.A. mula Hulyo hanggang Setyembre 2022.

Si CG PO3 Tolin ang itinanghal bilang ๐ญ๐จ๐ฉ #๐Ÿ ๐ฌ๐ญ๐ฎ๐๐ž๐ง๐ญ sa pagtatala ng final grade na ๐Ÿ—๐Ÿ•.๐Ÿ%!

Kasama niya sa naturang kurso ang 16 na estudyante ng USCG at tatlo pang international students mula sa PCG at Lebanese Navy.

Ayon kay CG Admiral Abu, sa karangalang ito, napatunayan ni CG PO3 Tolin ang galing ng mga Coast Guardians sa paghahasa sa kanilang kaalaman at kakayahan para makapagbigay ng mas kapakipakinabang na serbisyo publiko.ย 

Ipinahatid din ni PCG Deputy Commandant for Operations, CG Vice Admiral Eduardo Fabricante, ang kanyang pagbati sa katagumpayang nakamit ni CG PO3 Tolin.

๐‚๐Ž๐๐†๐‘๐€๐“๐”๐‹๐€๐“๐ˆ๐Ž๐๐’, ๐‚๐† ๐๐Ž๐Ÿ‘ ๐“๐Ž๐‹๐ˆ๐!

Most Read