MENU

Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga aplikante nito laban sa mga taong nagpapakilala bilang β€œfixer” para masiguro ang kanilang pagpasok sa serbisyo.

Bandang 06:00 p.m. kahapon, ika-10 ng Oktubre 2022, nagsagawa ng joint entrapment operation ang mga otoridad laban sa isang nagngangalang 𝐏𝐫𝐒𝐧𝐜𝐞𝐬𝐬 π’πšπ§ππ«πš 𝐌𝐚𝐜𝐚𝐩𝐞𝐠𝐞𝐬 𝐨 𝐦𝐚𝐬 𝐀𝐒π₯𝐚π₯𝐚 𝐛𝐒π₯𝐚𝐧𝐠 β€œππ«π’π§πœπžπ¬π¬β€ na lumalapit sa mga aplikante para makakuha ng pera kapalit ang pangakong makakapasok sila bilang miyembro ng PCG.

Pagdating ng mga otoridad sa isang mall sa ParaΓ±aque City, nahuli ang isang nagngangalang Sherhana Hatae na napag-utusan ni Princess na tumanggap ng pera mula sa mga aplikante.

Nagpakilala ang mga operatiba kay Sherhana at ipinaalam sa kanya ang rason ng naturang entrapment operation.

Ngayong araw, ika-11 ng Oktubre 2022, nagpapatuloy ang mga operatiba sa paghahanap kay Princess na sinasabing nananatili sa isang condominium sa ParaΓ±aque City.

---

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Ayon sa Deputy Chief of Coast Guard Staff for Intelligence, CG-2, agad ding naaresto sa Princess, ilang oras matapos maaresto si Sherhana kagabi, ika-10 ng Oktubre 2022.

###

Most Read