MENU

Naka-alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) District Palawan para maging ligtas, matiwasay, at komportable ang pagbiyahe sa karagatan ng mga mananakay ngayong Undas 2022.

Liban sa pag-iinspeksyon sa mga pampasaherong barko, nag-iikot din ang mga Coast Guard K9 teams para i-check ang mga bagahe ng mga pasahero. Ito ay para mapanatili kaligtasan sa mga pantalan at iba pang maritime transport facilities sa probinsya.

Nakahanda rin ang mga deployable response groups (DRGs) sa oras na kailanganin ang kanilang serbisyo sa paparating na long weekend.

https://www.facebook.com/100067822296070/posts/449482140655859/?sfnsn=mo

Most Read