Mahigpit na binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force ang mga pantalan, paliparan, at iba't-ibang istasyon ng tren para maitaguyod ang kaligtasan at seguridad ng mga mananakay ngayon papalapit ang Undas 2022.
Katuwang ang mga Coast Guard Working Dogs (CGWDs), ini-inspeksyon ng mga PCG personnel ang bagahe ng mga pasahero at kargamento ng mga sasakyang pandagat.Β Β Β Β
Panawagan ng PCG sa publiko, manatiling alerto at agad na ipagbigay-alam sa otoridad kung may mapapansing kahina-hinalang tao o bagahe para agad na maaksyunan.
πππππππππππ πππππππ:
https://www.facebook.com/100075947667137/posts/185016240706630/?sfnsn=mo