Inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Lanao del Norte ang isang bagong panganak na babae na nakatira sa baybay dagat ng Barangay Tambacan, Iligan City kaninang maghahatinggabi.
Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng epekto ng Bagyong #PaengPH sa lugar.
Nagbigay naman ng tulong medikal ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CRRMO) para mapangalagaan ang kalusugan ng bagong panganak na babae.
Inilikas din ang ilan pang residente ng Barangay Tibanga na malapit rin sa baybay dagat ng siyudad.
Katuwang din sa naturang operasyon ang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Special Operations Unit-Lanao del Norte.