MENU

Kaninang hatinggabi, umabot sa 131 residente ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) District Northeastern Luzon matapos ma-trap sa iba't-ibang barangay sa Tuguegarao City at Solana, Cagayan.

Kasunod ito ng mabilis na pagbaha sa mga nabanggit na munisipalidad dulot ng Bagyong #PaengPH.

Dinala ang mga residente sa pinakamalapit na evacuation center sa kani-kanilang lugar para mabigyan ng karagdagang tulong mula sa LGU at DSWD.

Most Read