Sakay ang 3,600 family packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bibiyahe ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) mula Maynila papuntang Iloilo mamayang gabi, ika-01 ng Nobyembre 2022!
Kasabay niya ang BRP Romblon (SARV-3503) na may sakay namang 50 sako ng tig-50 kilo ng bigas.
Tatanggapin ito ng DSWD Region VI para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong #PaengPH sa rehiyon.
Sa nakalipas na tatlong araw mula nang maitatag ang PCG TASK FORCE KALINGA noong ika-30 ng Oktubre 2022, MAHIGIT WALONG TONELADA NA NG RELIEF SUPPLIES ang natanggap nito mula sa iba't-ibang ahensya ng gobyerno at organisasyon.
Ihahatid ang donasyon sa mga probinsyang nasalanta ng nagdaang kalamidad gamit ang mga barko, air asset, at land vehicle ng PCG tungo sa agarang pagbangon ng bansa sa apekto ng nagdaang kalamidad.
Sa mga nais magpahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya, makipag-ugnayan lamang sa PCG TASK FORCE KALINGA at PCG CIVIL RELATIONS SERVICE gamit ang mga sumusunod na contact details:
E-mail: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Facebook: Coast Guard Civil Relations Service
Mobile: 0977-496-6811 / 0977-496-6810