MENU

Pinag-iingat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga kabataan at kanilang mga magulang sa paglangoy sa Manila Bay.

Kahapon, ika-11 ng Nobyembre 2022, sinagip ng mga PCG personnel ng BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) ang isang 14 na taong gulang na bata na muntik malunod sa Manila Bay.

Bandang 2PM nang marinig ni CG Seaman Second Class (SN2) Badajos na may humihingi ng saklolo 400 metro mula sa naturang barko.

Nakadaong sa Port Area ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) matapos ang isinagawang relief mission sa Iloilo City.

Namataan ang bata na nakakapit sa styro box at plastic na bote para manatiling nakalutang sa tubig.

Agad na dineploy ng mga PCG personnel ang isang rigid hull inflatable boat (RHIB) para iligtas ang bata na kinilalang si James Rafael Asierto, 14 taong gulang na residente ng Quiapo, Maynila.

Ayon sa salaysay ng bata, tinangay siya ng malakas na agos habang lumalangoy sa Manila Bay.

Ginamot ng mga PCG personnel ang mga galos ng bata at dinala siya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naghatid sa kanya sa kanilang tahanan.

Most Read