Nakumpiska ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kahung-kahong inabandonang "smuggled" na sigarilyo sa isang pampasaherong barko mula sa Port of Siasi, Sulu noong ika-13 ng Nobyembre 2022.
Nagkakahalaga ito ng humigit-kumulang β±210,000.
Nakita ng PCG ang naturang kargamento habang iniispeksyon ang mga inabandonang bagahe sakay ng MV EVER QUEEN OF THE PACIFIC na bumibiyahe mula Port of Siasi papuntang Port of Zamboanga.
Nang buksan ang 10 kahon at anim na bag, nakitang naglalaman ito ng nasa 300 ream ng sigarilyo na hinihinalang iligal na inangkat sa bansa.
Agad itong kinumpiska ng PCG para ma-i-turnover sa Bureau of Customs (BOC) kahapon, ika-14 ng Nobyembre 2022.
Isasailalim sa imbestigasyon ang mga nakumpiskang sigarilyo para malaman ang mga suspek sa likod ng insidente.
https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=446056921038362&id=100069021736166