Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang wing van truck na naglalaman ng "smuggled" na sigarilyo sa Consuelo Port, San Francisco, Cebu, kahapon, ika-14 ng Nobyembre 2022.
Ayon sa PCG District Central Visayas, aabot sa β±350,000 ang halaga ng kahung-kahong sigarilyo na hinihinilang iligal na inangkat sa bansa.
Idineklara bilang "other products" ang naturang kargamento sakay ng isang RoRo vessel na bumiyahe mula Danao Port sa Escalante City, Negros Occidental papuntang Consuelo Port.Β
Dinala ng PCG ang mga ipinuslit na kargamento sa Bureau of Customs (BOC) para maimbestigahan ang insidente.
Katuwang ng BOC ang PCG sa paglaban sa "smuggling" at iba pang iligal na aktibidad sa malawak na katubigan ng bansa.
https://www.facebook.com/100064916730796/posts/498173082356579/