Personal na binati ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, ang 308 kababaihan na sabay-sabay nagsipagtapos at nanumpa bilang mga Coast Guard non-officers sa PCG Regional Training Center-La Union kahapon, ika-16 ng Nobyembre 2022!
Napagtagumpayan ng Coast Guard Non-Officer's Course (CGNOC) Class 90-2022 “Alab Magwayen” ang kalahating taong pagsasanay para epektibong maipatupad ang mga mandato ng PCG.
Binigyang-pagkilala ang mga sumusunod na Coast Guard non-officers dahil sa kanilang ipinamalas na kagalingan sa training center:
Top 1: CCGNO Gerche Pabilo
Top 2: CCGNO Hazel Ann Cuyson
Top 3: CCGNO Elsie Grace Lorenzo
Top 4: CCGNO Antonette Barradas
Top 5: CCGNO Kaezel Ann Tiquio
Top 6: CCGNO Regine Linantud
Top 7: CCGNO Nelia Parreño
Top 8: CCGNO Raven Gohilde
Top 9: CCGNO Judy Ann Alejandro
Top 10: CCGNO Leny Rose Abalos
Sa kanyang mensahe, hinikayat ni CG Admiral Abu ang mga bagong Coast Guard non-officers na isabuhay ang mga mahahahalagang katangian ng isang Coast Guardian na pumapaloob sa PCG RADIATES:
R-esponsible
A-ccountable
D-isciplined
I-nspiring
A-bled
T-eam-spirited
E-xcellent
S-ervant leader
Ayon sa Komandante, makakatulong ang mga katangiang ito para maging bahagi sila ng pagbabago tungo sa lalong pagpapabuti ng SERBISYONG COAST GUARD.
Dumalo rin sa naturang seremonya ang mga pamilya at mahal sa buhay ng (CGNOC) Class 90-2022 “Alab Magwayen.”
CONGRATULATIONS!