Nahuli ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang recruitment fixer sa Brooke's Point, Palawan noong ika-18 ng Disyembre 2022.
Kinilala itong si John Ian Montero Socrates, 23 taong gulang na residente ng Barangay Panacan, Narra, Palawan.
Isinagawa ang entrapment operation matapos mag-report ang isang aspiring Coast Guard applicant sa PCG Station Southern Palawan.
Ayon sa 24 na taong gulang na aplikante, hinihingan siya ng suspek Php 3,000 para sa pag-po-proseso ng kanilang aplikasyon.
Pagkatanggap ng report bandang 10:30AM, agad na nakipag-koordinasyon ang PCG sa Brookeβs Point Municipal Police Station.
Nahuli ng suspek bandang 11:30AM matapos niyang tanggapin ang marked money mula sa nagreklamong aplikante.
Liban sa Php 3,000, kinumpiska rin sa suspek ang isang cellular phone na may PCG logo.
Dinala siya sa Brookeβs Point Municipal Police Station para maimbestigahan at mahainan ng karampatang kaso dahil sa paglabag sa Article 294 (5) ng Revised Penal Code patungkol sa "Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons."
Kaugnay nito, nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Coast Guard Intelligence Force (CGIF) para malaman kung may kasabwat siyang PCG personnel.
Panawagan ng PCG sa mga nais maging bahagi ng organisasyon, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na PCG District, Station, o Sub-Station sa kanilang lugar para malaman ang update patungkol sa nationwide recruitment.
Maaari ring i-follow ang official Facebook page ng PCG kung saan inilalabas ang mga recruitment announcement at advisory mula sa Coast Guard Human Resource Management Command (CGHRMC).
Ayon sa CGHRMC, tapos na ang recruitment cycle para sa taong 2022.
Antabayan ang update sa pagsisimula ng panibagong recruitment cycle sa susunod na taon.