Ganito ang naging sitwasyon ng ilan sa ating mga kababayan sa Misamis Occidental dahil sa pagbaha sa ilang munisipalidad kahapon, ika-25 ng Disyembre 2022.
Umabot sa 15 pamilya ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Barangay Del Paz at Barangay Lupagan na sakop ng munisipalidad ng Clarin.
Sampung pamilya naman na na-trap sa kanilang tahanan ang inilakas sa Barangay Maningcol, Ozamiz City.
Ito ay dahil sa walang tigil na ulan na nagdulot ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha sa mga nabanggit na lugar.
Siniguro ng PCG na agad na maibibigay ang karagdagang tulong na kinakailangan ng LGU, habang mino-monitor ang lagay ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalang apektado ng sama ng panahon.