Nakarating na sa Basilan ang BRP Cape EngaΓ±o (MRRV-4411) sakay ang 3,000 family packs para sa mga residenteng naapektuhan ng pagbaha sa Isabela City at Lamitan City, Basilan noong nakaraang linggo.
Kahapon, ika-29 ng Disyembre 2022, tulung-tulong na ibinaba ng mga Philippine Coast Guard (PCG) personnel ang mga relief supplies na inihanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nakiisa rin sa inisiyatibong ito ang mga kinatawan ng PDRRMO, CDRRMO, Isabela City Police Station, at KABALIKAT CIVICOM.
https://www.facebook.com/coastguardisabela/posts/196116746307012