MENU

Narito ang sitwasyon ng mga trainees sa ilalim ng Coast Guard Non-Officer's Course (CGNOC) Class 93-2022 sa Dipaculao, Aurora!

Bahagi ng kanilang pagsasanay ang pagsisigurong maayos at malinis ang kanilang pangangatawan at paligid sa lahat ng pagkakataon.

Ito ay para maisaisip at maisagawa ang pagiging disiplinado sa pamumuhay, na daan para maging disiplinado sa pagseserbisyo sa bayan.

Sa araw-araw na inspeksyon, makikita ang unti-unting pagbabago ng mga trainees tungo sa pagiging opisyal na kabahagi ng serbisyo.

Ngayong bagong taon, hatid nito ay mga bagong pagkakataon upang makamit ang pangarap para sa sarili, pamilya, at bayan!

Most Read