MENU

Tumulong ang Philippine Coast Guard (PCG) sa paglikas ng 52 pamilya sa abot-dibdib na baha sa Barangay Mangagoy at Barangay Tabon, Bislig City, Surigao del Sur.

Ayon sa PCG Station Surigao del Sur, naganap ito noong ika-02 ng Enero 2023 dahil sa patuloy na pag-ulan sa probinsya.

Sa pagtutulungan ng PCG, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Army (PA), at City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO)-Bislig City, ligtas na naihatid sa evacuation center ang mga apektadong pamilya.

Most Read